This blog site does not fall under any category. It remains advertising-free and adamantly against displaying links to malicious websites especially porn and other filthy cybergarbage such as some of those listed in the traffic sources of pageviews appearing in the blog's dashboard statistics and that include PORN SITE ADMINISTRATORS OUT THERE WHO KEEP ON PESTERING DECENT BLOG SITES ALL OVER THE WORLD BY ADVERTISING YOUR URL IN THE STATISTICS TRAFFIC SOURCES!
ALL PORN WEB ADDRESSES THAT WILL STUMBLE UPON THIS SITE WILL DEFINITELY BE DESTROYED!

Please note that any comment, tweet (Twitter @newweirdjtt) or e-mail containing unpleasant message, suspicious links, or received by the Spam folder will not be entertained. Just remember that I can be a good friend but a bitter enemy, get it?
Hey, I'm supposed to be an independent, self-publishing fiction writer through my Samizdat Publications and yet selling my first published books had became difficult despite the good story quality and affordability of these. I think that I'll be returning soon to that search for a publishing company like I did in the past and so I must lay down my "pride" for my other unpublished manuscripts. I hope that I'll find a just and humane publisher who is open-minded to give chance to aspiring fiction writers like me, support Philippine literature and renewed interest in reading books, and without the attitude of treating the publishing industry as just some business gamble.

SOLILOQUY According to Webster’s Dictionary, soliloquy (so-lil-o-kwi) n. /plural soliloquies/ is the act of speaking one’s thoughts aloud in solitude; a speech in a play through which a character reveals his/ her thoughts to the audience, but not to any of the other characters, by voicing them aloud , usually in solitude. (derived from Latin soliloquium “to speak alone”). Grolier International Dictionary defines soliloquy as a literary or dramatic form of discourse in which a character talks to himself/ herself or reveals his/her thoughts in the form of a monologue without addressing a listener; the act of speaking to oneself in or as in solitude.

ANNOUNCEMENT: PLEASE CHECK OUT MY WATTPAD SITE- https://www.wattpad.com/user/weirdjtt




Saturday, December 31, 2022

Alapaap na Kulay Vanilla

             *Hey, BLOGGER ADMINISTRATION! Why are you like that! My new blog does not have harmful contents and other violations against your so-called standards and yet you want it unpublished for what? Grabe naman itong Blogger site admin na ito. Pinaghirapan kong i-type dito ang blog ko at i-upload ang sangkaterbang pictures tapos sa di malinaw na dahilan ay bigla nilang pina-unpublish! All photos were mine, Blogger. I did not grab them from anyone!

        Disyembre 10, 2022. Ang aking thanksgiving pilgrimage sa apat na simbahan sa Maynila sa araw na ito ng Our Lady of Loreto, pagkatapos ng tatlong taon. Una sa aking itinerary ay ang Sta. Cruz Church. Ikalawa naman ay ang Quiapo Church. Mainam at napanatiling maluwag sa Carriedo kaya maginhawang maglakad doon hindi gaya noon na inangkin na ng mga sidewalk vendors ang halos buong kalsada at iba pang daanan sa paligid ng simbahan. Hay, balik na nga sa dating sitwasyon bago mag-pandemic sa Maynila. 

 


        Mula Quiapo Church, muli akong nakatawid sa underpass patungong Echague nang makasakay naman ng dyip papuntang San Miguel. Kaya lang ang mga dyip na biyaheng San Miguel ay hindi na pinahintulutang pumasok sa Arlegui Gate ng Malacañang Complex. Hanggang doon na lang sa TIP. Di bale at hindi namang nakakapagod maglakad sa Arlegui. Nadaanan ko muli yung luma ngunit magandang mansyon doon, na naroon pa at nakaukit sa may gatepost nito na “Arlegui Guest House”. At nakapaskil na sa labas ng gate nito na ito ay ipinagbibili na.  



            Ikatlo sa itinerary ay ang National Shrine of St. Jude Thaddeus sa Ycaza Street nang nakatawid na ako sa crossing ng Arlegui-Mendiola-J.P.Laurel. Ngayong taon, ako’y nagnobena muli sa intercession ni St. Jude at ang aming panalangin ay dininig ng Panginoong Diyos. Natupad ang aking petisyon.


Mula St. Jude, bumalik ako sa J.P. Laurel at naglakad doon. Umaambon na at sa kulimlim nang panahon, tahimik ngunit malumbay na pakiramdam habang naglalakad sa labas ng Malakanyang. Nakalanghap ako ng halimuyak mula sa mga namumulaklak na tanim mula sa mga bakuran ng mga lumang bahay na nadaanan ko. Nadaanan ko rin ang Manila Liberation Park. Nabawasan lamang yung vandalism pero sana bigyang-pansin pa rin ng management nito. Magdadapithapon na at mabilis nang magdilim kaya dapat bilisan na ang lakad para makarating sa ikaapat na itinerary, ang National Shrine of St. Michael and the Archangels. At sa pagdaan ko sa Malacañang Complex, may nagaganap pang Christmas party doon sa mga lawn saka may mga media personnel. Hindi naman ako pwedeng mag-usyoso. Anyways, hindi naman ako interesado kasi kailangang makarating na sa St. Michael. Pagdating sa naturang simbahan, madilim na sa loob at nagtitipid doon sa ilaw. Mag-isa pa ako doon ngunit hindi naman nakakatakot. Matapos manalangin, pumunta naman ako sa gilid na eskinita nito na tabi rin ng ospital doon sa San Miguel. Nais kong masilayan muli ang Ilog Pasig mula sa dike sa likod ng simbahan. Kahit dapithapon na at makulimlim ang langit, ang ilog ay banayad pa rin at natatanaw pa yung Isla de Convalecencia at ang Hospicio de San Jose. Gusto ko pa sanang magmuni-muni mula doon sa dike kaya lang ang bilis ng oras. Malapit nang maggabi at kailangang makabalik na sa Quiapo. Tapos panibagong lakaran na naman; oo nga pala, pinagbawalan muna ang mga San Miguel-Quiapo jeep na pumasok sa Malacañang complex kaya hindi rin sila pwedeng abangan mula sa tapat ng simbahan paglabas nila sa San Rafael street. Kailangang lakarin yung kabilang dulo ng gate tapos lakad pa sa susunod na kanto kung saan dumaraan ang mga jeep galing TIP. Hay, naman! Kailan kaya pinatupad ang ganoong ruta ng dyip? Noong kasagsagan pa ba ng pandemic o nang bago na ang presidente ng bansa? (*Please take note that taking pictures of the Malacañang Palace, its sprawling lawns, and other facilities within its premises is strictly prohibited*) 



Nadaanan ko hanggang sa dulo ng J.P. Laurel street ang ilang luma ngunit malalaking bahay. Minsan napapaisip ko, tutal ang bahaging ito ng San Miguel district ay isa sa mga highly-secured areas hindi lang sa Kamaynilaan kundi sa buong bansa, tapos tahimik pang lugar siyempre paligid ng pambansang palasyo, masarap kaya manirahan dito? 


Mabilis naman makabalik sa Quiapo, doon sa Carlos Palanca street. Sayang at nadatnan kong sarado yung Island Souvenir shop kung saan nakabili ako noon ng ilang items na galing sa iba-ibang probinsya. Papuntang Excellente Ham store, bumili ako ng pineras na chico na gusto ko kahit medyo mahal at saka kalahating kilo ng kastanyas na huli pa akong nakakain nito noong 2019 pa. Sa Excellente, hindi naman ako bumili ng kanilang tanyag na hamon kundi ang chicken galantina na parang de luxe na embutido. Masarap kasi yun. At gabi na nang ako’y nakasakay sa siksikang LRT, at least mabilis namang nakauwi.


Disyembre 17, 2022. Kulay vanilla na alapaap at makulimlim din ang araw na yun ng flight namin papuntang Iloilo. Ilang oras din delayed ang biyahe kasi merong thunderstorm tapos naiipon na ang mga pasaherong naghihintay sa kani-kanilang flights. Hapon na nang natuloy ang Iloilo flight at nakaranas pa ng turbulence ang eroplano ng Cebu Pacific kasi dumaan sa ilang lugar kung saan may nagaganap na localized thunderstorms. Nakakahilo ngunit hindi naman ako nasuka. At habang palapit na sa Western Visayas ang eroplano, nagiging maaliwalas na ang panahon at natunghayan ko muli ang mga bulubundukin ng Aklan at Antique at ang mga malalawak na kapatagan ng Capiz at Iloilo hanggang sa maluwalhating paglapag sa Iloilo Airport sa Cabatuan. Maraming salamat sa Panginoon sa ligtas na paglalakbay na ito. Amen.










          Ito ang unang beses na nakapag-Christmas vacation kami sa Iloilo. Usually kasi tuwing Abril o Mayo ang bakasyon pero bago iyon nag-pandemic tapos ang school calendars pa noon ay June to March (overdue na ito na sana ibalik na ang ganoong academic year kaya DepEd at CHED, huwag gaya-gaya sa ibang bansa dahil klima ng Pilipinas ang mahalagang salik dito at hindi ang international standards kuno kung anong buwan dapat magsimula ang pasukan). Pero okey palang magbakasyon sa Iloilo nang Disyembre at mainam ang panahon kahit na may mga maulang araw tapos masaya pa ang makaranas ng Pasko sa probinsya kasama ang aming mga kamag-anak at kaibigan. Nasa ikaapat na Linggo na ng Adviento at muli kaming nakapagsimba sa St. John de Sahagun Parish or Tigbauan Church na noong huli kaming nagtungo doon ay wala pang kisame ang interior ng simbahan at lalo nang wala pa yung napakalaking retablo sa altar na nakakapanibago sa totoo lang kasi sa tagal ba naman ng panahon na ang nasisilayan doon ay yung magnificent mosaic na kung nais mong matunghayan ay pupunta ka pa sa likod ng retablo.

            St. John de Sahagun Parish or Tigbauan Church and the town plaza. Nakatutuwa ang mga Christmas display sa liwasan at noon ko rin nakita nang malapitan yung mga nakaukit na relief tungkol sa kasaysayan at kultura ng Tigbauan sa entrance ng covered court at gayundin ang nakapintang murals di kalayuan sa simbahan.












            Gumala uli ako doon sa may bakuran ng simbahan, sa may baba ng kampanaryo. Walang pinagbago. May mga nabuwal na puno at masukal doon sa ilang lugar lalo na sa pasilidad kung saan naroon ang isang private school noon na nagsara na. Mag-isa akong nagmuni-muni doon. Sa IMAHINASYON ko, pinagmamasdan ko ang churchyard na ito ng St. John de Sahagun na nagkaroon ng major facelift. Ang Adoration Chapel na napakahalagang bahagi ng bawat simbahan ay muling inayos, consecrated, at bukas muli para sa lahat ng nagnanais maglaan ng panahon para sa Panginoon sa pamamagitan ng Blessed Sacrament. Nasilip ko yung munting sementeryo mula sa likod ng altar ng simbahan. Crowded na masyado doon sa Municipal Cemetery; feasible idea ba na palawakin ang ossuary or columbarium complete with candle chapel and garden sa area na yun ng Tigbauan Church katulad ng sa maraming simbahan gaya sa Shrine of St. Therese at ang Sta. Clara sa Padre Burgos dito sa Pasay, pati ang St. Michael sa Malakanyang, ang Sto. Domingo sa QC, at marami pang iba?  Kung nagawang mapaganda ang interior ng simbahan na meron nang kisame at retablo, bakit hindi rin isali ang bahagi ito na pwede pang gawing meditation park and recollection/retreat area na center for catechism and Catholic apologetics din? Sa IMAHINASYON ko, itong bakuran ng Tigbauan Church ay naging eco-friendly and self-sustaining community area, naka-landscape nang maganda, ang lago ng mga halamang namumulaklak at mga herbal, merong vertical gardens, at mga taniman ng mga gulay at rootcrops. Ang mangarap nang gising!  

            Naalala ko noong bisperas ng Pasko at dumalo kami sa Misa, ang dami-daming tao. Puno sa loob ng simbahan lalo bago magsimula ang Misa ay may idaraos munang Christmas program. Hindi na kami nakapasok sa loob kasi wala nang bakanteng mauupuan doon. Napanood ko rin naman yung palatuntunan sa pamamagitan ng live coverage nito sa Facebook page ng simbahan. Maganda at may makabuluhang mensahe. Sayang at sana merong wide screen and projector na naipwesto sa kinalalagyan namin para mapanood naman ng mga nasa labas yung programa at Misa. Marami sa mga nagsimba di-umano, nakagayak man, halata namang hindi pagsisimba ang pakay doon kundi tambay lang kasama ng mga barkada lalo na yung mga kabataan; daldalan lang inatupag.

            St. John de Sahagun Parish or Tigbauan Church and the town plaza. Nakatutuwa ang mga Christmas display sa liwasan at noon ko rin nakita nang malapitan yung mga nakaukit na relief tungkol sa kasaysayan at kultura ng Tigbauan sa entrance ng covered court at gayundin ang nakapintang murals di kalayuan sa simbahan.











            Ilog ng Tigbauan. At ang lago ng mga talahiban sa may pampang. Eh sa talahib o tigbaw nga hinango ang pangalan ng nabanggit na bayan. (Photos taken at Barangay Dorong-an across Barangay/Poblacion 2)







            Photo exhibit sa Tigbauan Tourism Office tampok ang kasaysayan ng bayan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig hanggang sa Panay Landing doon sa Barangay Parara sa pangunguna ni Gen. McArthur. Makikita rin sa isa sa mga larawan ang sinaunang anyo ng Tigbauan Church bago ang deadly Lady Caycay earthquake noong 1948. 







        Kabilang sa mga iconic na hari ng kalsada na patuloy pa rin sa pamamasada sa Iloilo ay ang mga naghahabang dyip na may mga attractive designs. Meron na rin modernized jeepneys na bumibiyahe sa Panay tulad ng lagi ko rin napapansin sa Metro Manila pero limitado ang pagtanggap ng mga kargada nito hindi tulad ng sa mga tradisyunal na dyip na hanggang bubong ang sari-saring mga karga, pati ibang pasahero doon din nakaupo. (Photo includes a roadside stall in Barangay Baguingin selling dried fish and other seafoods).




                Paglipas ng apat ng taon mula noong huli naming bakasyon sa Iloilo, napuntahan ko na rin yung sikat na bike lane sa Mandurriao district. At yung mga puno ng Pink Trumpets, anytime of the year naman pala kung mamukadkad; meron din ngang ganoong puno sa Roxas Boulevard mula Baclaran-Pasay hanggang sa DFA Main Office at may ka-alternate na mga calachuchi. Kahit na wala naman akong bisekleta at lalong hindi pa ako nag-aaral kung paano magbisekleta, nilakad ko na lang yung bike lane. Isang parke rin ito sa gitna ng Sen. Ninoy Aquino Avenue sa Iloilo City.









            Muli rin kaming nakapunta sa Jaro district at nakabisita sa Jaro Cathedral. Hindi nga lang kasali sa itinerary yung mga heritage houses doon na aming nabisita noong 2019 at nabanggit ko pa yun sa May 31, 2019 blog kong “Sampaguita at Rosal”. Namangha rin ako sa napakalaking pinagbago ng Jaro Plaza and Belfry! Malugod na pagbati sa Iloilo City local government sa kanilang efforts na muling maisaayos ang makasaysayang liwasan ng distrito na may opisyal na pangalang Graciano Lopez-Jaena Park, sunod sa bayani mula Iloilo at balita rin na muling pinaayos ang napabayaan niyang ancestral house at ito ay isa nang library and research center ngayon. Patungkol sa Marian Grotto ng plaza na napagkakamalang aviary, meron akong nabasang article sa isang online source (https://bluprint.onemega.com/what-were-they-thinking-a-strange-sight-in-jaro-plaza/) na noong ginawa ang grotto, meron daw bumulwak na tubig sa paligid nito at may mga taong nag-akalang katulad ito ng Lourdes sa France at yung tubig ay maaaring mapaghimala kaya naligo sila doon sa nagpuputik na tubig. At para sa kaayusan na rin sa plaza, isang mala-aviary structure ang pinagawa sa paligid ng istatwa ng Madonna and Child Jesus na hindi kalayuan mula sa monumento ni Graciano Lopez-Jaena. Hay, yung Bluprint article na yun, sagwa naman ng paggamit ng writer nila na “idol” referring to the Marian statue, tulad ng bukambunganga ng mga anti-Catholic bigots.









 

  



  


  



La Paz Batchoy from Ted's and the famous Panderia ni Pa-a

        Plazuela de Iloilo. Nitong Disyembre lang ako nakapunta sa Plazuela de Iloilo na noon ay pinagmamasdan ko lamang kapag galing kami sa SM City Iloilo sa Mandurriao. Mahabang gusali at saka noon daw, ang lugar na ito na kalapit lang ng original location ng Iloilo Airport ay agricultural area na may mga fish ponds. 






            Nakaka-miss din ang pagdayo sa Molo district. Na-miss lang namin ang katabi nitong Arevalo (Villa). Ang iconic Molo Mansion na babalik-balikan mo talaga. Pagtawid sa kalsada ng M.H. Del Pilar ay ang Molo Church at ang Plaza. Pati ang simbahan ay nagkaroon din ng major facelift at nagmukhang bago. At lakad pa patungong Iloilo River Esplanade, hay, sobra ko rin na-miss ang napakarikit na tanawin doon pati yung mga bakawan ay patuloy rin sa paglago.  











    

           Disyembre 29, 2022. Huling araw ng bakasyon namin sa Tigbauan, Iloilo. Kung nitong mga nakaraang araw ay madalas ang ulan, maaliwalas naman sa araw na ito kaya nagustuhan ko rin maglakad-lakad hanggang makarating doon sa Sibalom Bridge tapos lakarin ang kahabaan ng dike hanggang makarating sa kung saan nagsasalubong ang dagat at ang ilog. Tahimik ang lugar na yun, solong-solo ko pa ang bahaging yun ng Parara beach na kay banayad nang mga oras na iyon. Gusto ko lang namnamin ang maikli ngunit payapang sandaling iyon. Sa muling pagbabakasyon sa Tigbauan, Iloilo!